Dhobie de Guzman:
Jogging paakyat ng bundok ang warm-up ni Manny Pacquiao kasama ang ilang atleta sa Baguio.
Enjoy din ang mga fans na nag-aabang sa Pinoy boxing superstar.
Subsob sa ensayo si Pacman kahit isang linggo nang sinisipon; nagtawanan pa matapos tanggapin ni Manny ang bulaklak.
Kahit abala sa sa workout, pinag-aaralan pa rin ni Manny at ng buong Team Pacquiao ang estilo sa ring ni Mosley.
"May tendency kasing bumababa 'yung kaliwa ni Mosley," sabi ni Buboy Fernandez, isa sa mga coach ni Pacquiao. "So left-handed tayo 'tas right-handed si Mosley so posible na tatama 'yung kanan natin, 'yung right hook."
Sinagot din ni Pacquiao ang kontrobersyal na tweet niya sa dalawang Twitter follower na nagtanong kung bakit siya absent sa kasagsagan ng impeachment hearing ng Kamara kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.
"Dinelete ko na kasi minsan wala ka sa mood, minsan may mga nang-aasar sa 'yo. Minsan mabuti na 'yung walang distraction," sabi ni Pacquiao.
Umiwas din ang kongresista mula Sarangani na pag-usapan ang impeachment ni Gutierrez.
"Sabi ng adviser ko na 'wag munang magbigay ng comment about that," sabi ng Sarangani congressman.
Sa ngayon, natutuwa si Manny sa pag-usad ng kasong isinampa niya sa Las Vegas, Nevada kontra kay Floyd Mayweather Jr.
"The damage has been done so hindi na natin puwedeng iatras. Nakita ng judge na napakagandang kaso," ani Pacquiao.
Nagsampa ng kaso sa Amerika si Pacquiao kay Mayweather dahil sa patutsada nitong gumamit siya ng performance-enhancing drugs.

No comments:
Post a Comment